MANILA, Philippines - Hindi pinayagan ng National Bureau of Investigation (NBI) na mailabas at madala sa pribadong ospital si Datu Unsay town Mayor Andal Ampatuan Jr., na sinasabing nagrekla-mo ng paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga.
Ayon kay Deputy Director for Technical Services atty. Reynaldo Esmeralda, na agad namang sinuri ng kanilang doktor sa NBI si Ampatuan at natukoy na normal naman ang health condition nito.
Tiniyak naman ni Esmeralda na wala pa namang pormal na request ang mga abogado ni Ampatuan para siya isailalim sa hospital arrest, pero nabatid na maging ang abogado ni Ampatuan na si Atty. Sigfrid Fortun ay hindi pabor na isailalim sa hospital arrest ang kanyang kliyente.
Nabatid naman kay NBI Director Nestor Mantaring na hindi nila basta papayagan na mailabas at madala sa pribadong emergency hospital si Ampatuan at kung hihilingin ay maari na lamang magdala ng pribadong doktor sa loob ng NBi ang kam-po ni Ampatuan, subalit kailangang may presensiya din ng NBI doctors habang sinusuri ito para matiyak ang assessment na gagawin sa kondisyon ng nasabing alkalde.
Aminado si Mantaring na walang further medical check-up kay Ampatuan noong Biyernes kundi ang physical check-up at drug test, na sinasabing walang nakitang trace na gumagamit ito ng iligal na droga, maliban sa ginamit na sleeping drug, na inamin naman ni Ampatuan na ininom niya.
Ayon sa NBI, hindi umano siyento por siyentong masasabing hindi gumagamit ng iligal na droga si Ampatuan dahil ang sinuring ihi nito ay posibleng mag-negatibo, makalipas ang 40 oras.
Nakita sa resulta ng urine test ang traces ng Benzodiazepine dahil sa pag-inom umano ng Rivotril.
Nilinaw pa ni Mantaring na pansamantalang solo umano ni Ampatuan ang detention cell at walang special treatment dito, na katunayan ay inireklamo ang ‘poor ventilation’ kaya ito nainitan at sinasabing nahirapang huminga. Hindi siya pinayagang gumamit ng mga ipinadala ng kaniyang pamilya na kutson at bentilador.
Nais matiyak ng NBI na high risk prisoner si Am- patuan kaya pinag-aara-lan pa kung saan ito dapat idetine at ina-asses din ang kalusugan kaya hiwalay pa siya sa ordinaryong preso.
Patuloy pa rin ang heightened alert sa loob at la-bas ng NBI.
Hindi rin pinapayagan na makadalaw kay Ampatuan ang sinu-sino lamang maliban sa kaanak at nasa listahan, subalit sa itinakdang oras lamang ng da-law. Gayunman, ang mga abugado ay hindi naman nililimitahan ng oras.