Environmentalist sali sa presidential race

MANILA, Philippines - Nakatakdang magsampa ngayon ng kanyang kanditura para sa pagka-Pa­ngulo ang environmentalist at negosyan­teng si Felix “Peck” Cabrera Cantal sa ilalim ng Philippine Green Republican Party (PGRP) sa tanggapan ng Commission on Elections sa Intramuros, Maynila.

Sasamahan si Cantal ng kanyang mga tagasuporta at miyembro ng PGRP na naglalayong magkaroon ng gobyer­nong lubos na mangangalaga sa ating kapaligiran at kalikasan.

Kasabay nito, kinondena ni Cantal ang mala-barbarong pagmasaker sa mga inosenteng sibilyan, lalo ang mga mamahayag, sa Ma­guin­da­nao sanhi ng mga hidwaang po­litikal.

“Sa ngalan ng serbisyo publiko, kung magwawagi ako sa halalan sa Mayo ay makatitiyak kayo na magwawakas ang media killings sa ating bansa,” ani Cantal. “Ka­ilangan natin ang lubos na re­ porma at sa ilalim ng aking admi­nis­tras-yon ay hindi ako makapapayag na ma­mamayani ang kara­hasan dahil lamang sa politika.” (Rudy Andal)

Show comments