Masaker, resulta ng 2004 poll fraud

MANILA, Philippines - Resulta lang ng talamak na dayaan sa halalan ang naganap na malagim na massacre sa Maguindanao.

Ito ang iginiit ng negosyanteng si Joey De Venecia III matapos na madiskubre umano na pinoproteksiyunan ng administrasyong Arroyo ang mga Ampatuan dahil sa malaking kontribusyon nito sa pagkapanalo ni Arroyo sa nagdaang 2004 presidential election.

Malaki ang paniniwala ni de Venecia na malaki ang kapangyarihang ibinigay ni Arroyo sa mga Ampatuan dahil maging ang P10b infra funds ay kontrolado ng mga ito.

Bunsod nito, sinuportahan ni De Venecia ang pana­ wagan na dis-armahan ang mga private armies ng mga politiko, lalo na ang mga Ampatuan. Posible din anyang hindi pa tapos ang gulo sa Mindanao. (Butch Quejada)

Show comments