MANILA, Philippines - Diringgin ng Commission on Elections ngayong araw ang petisyon ng Commission on Human Rights na humihiling na magtayo ng special polling places para sa mga preso sa buong bansa.
Sa nasabing pagdinig, ilalahad ng CHR sa pangunguna ni Commissioner Leila de Lima ang kaniyang mga argumento kung bakit kinakailangang makapagtayo ng mga polling precincts sa loob o di kaya ay malapit sa mga bilangguan.
Nabatid na gusto ng CHR na makapaglatag ng alituntunin ang Comelec para mahikayat ang mga preso na makaboto at mapagtibay ang karapatan ng nasa 23,000 na bilanggo na makaboto.
Una nang inihain ng CHR ang nasabing petis yon sa Comelec para hilingin ang pag-set up ng mga polling precincts sa mga kulungan.
Ayon sa CHR, sa ilalim ng Section 117 ng Omnibus Election Code, may karapatan pa ring makaboto ang mga preso.
Sa ilalim ng Voters Registration Act of 1996, tanging ang mga bilanggo na nahatulan na sa anumang krimen ang inaalisan ng karapatang makaboto.