Kenney pinalitan ni Obama

MANILA, Philippines - Naglagay na si United States President Barack Obama ng bagong US envoy sa Pilipinas kapalit ni US Ambassador  Kristie Ann Kenney.

Ang bagong US Ambassador sa Pilipinas ay si Harry Thomas, Jr., isang career diplomat na mis­mong si Obama ang nag-nomina. Walang binanggit ang White House kung kailan ang pagtatalaga kay Thomas sa Pilipinas.

Ayon naman kay Kenney, mananatili siya sa Pilipinas ng ilang buwan bago siya ma­palitan at babalik siya sa US upang makapiling ang kan­yang pamilya.

Si Kenney ang kauna-unahang ambassador na naitalaga ng US sa Ma­nila na naging aktibo sa mga pagdalo sa social functions at walang takot na tumutungo sa mga delika­ dong lugar gaya ng Min­danao upang magbig­ay ng tulong sa mga nanga­nga­ilangan. (Ellen Fernando)

Show comments