MANILA, Philippines - Inilikas na ang may 390 pamilya sa Albay province sa Bicol dahil sa pagtaas ng aktibidades at pag-aalburuto ng naturang bulkan.
Ang 390 pamilya o katumbas sa 1,665 katao na mula sa dalawang baryo ng bayan ng Daraga ay pansamantalang inilikas sa Daraga supermarket.
Bunsod nito, round-the-clock na ang pagbabantay ng Phivolcs sa bulkan dahil sa madalas na nitong pagpapakita ng abnormalidad.
Kahapon, nakipagpulong ang Phivolcs sa lokal na pamahalaan ng Bicol at pinayuhan na rin ang mga residente malapit sa paligid ng bulkan na maging handa dahil nagsimula nang magbuga ng abo ang Mayon nitong nakalipas na madaling araw ng Miyerkules.
Ang Mayon ay nasa Alert Level 2 at patuloy na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6 kilometer danger zone sa paligid ng bulkan. (Angie dela Cruz)