30 years hatol sa bugaw ng mga menor-de-edad

MANILA, Philippines - Sa kauna-unahang pag­ kakataon ay nahatu­lan ng korte ang isang bugaw na nagre-recruit at nangmomo­lestiya ng mga menor-de-edad na lalaki dahil sa kasong paglabag sa kasong RA 9208 o ang Human Trafficking Act.

Matapos ang apat na taong pagdinig sa Manila Regional Trial Court (RTC) nahatulan ng tatlo hang­gang 30 taon pagkaka­bilanggo si Albert Sanchez.

Base sa record noong Agosto 2005, napag-ala­man ng human rights organization na International Justice Mission (IJM) na si Sanchez ay nagre-recruit ng mga kabataang lalaki upang pumasok sa isang pros­titusyon para sa mga Pinoy o dayuhang homosexual pedophiles subalit minomo­lestiya muna nito ang mga kabataan bago isabak sa prostitusyon.

Dahil dito kaya noong September 13, 2005 ay nag­sagawa ng operasyon ang IJM at Crminal Investigation and Detection Group-Womens and Chil­drens Divsion na nag­resulta sa pagpapalaya sa tatlong kabataang lalaki.

Ayon naman kay Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) acting Chairman Justice Under­secretary Ricardo Blan­caflor dapat na papurihan si DOJ Prosecutor Miner­va de Guz­man na siyang huma­wak ng kaso sa pa­kikipag-tulungan kay IJM Jedreck Ng upang ma­sen­tensiya­han si San­chez.

Bukod dito, ayon kay Blancaflor, dalawa sa bik­tima ni Sanchez ang tumes­tigo at ang pagpupursige ng DOJ kung kayat naging matagumpay umano ang apat na taong pakikipag­laban sa korte upang ma­kamit ang katarungan. (Gemma Garcia)

Show comments