Revilla out na sa pagka-bise

MANILA, Philippines - Tuluyan nang tinang­ gihan ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang pag­kandidatong bise presi­dente ng makaadminis­tras­yong Lakas-Kampi-CMD sa halalan sa susu­nod na taon.

Pinasalamatan naman ni Revilla ang Lakas-Kampi sa pagkokonsidera sa kanya bilang runningmate ng standard bearer nitong si Defense Secretary Gilbert Teodoro pero napag­ de­sisyunan niyang muling tumakbong senador.

”Matapos ang serye ng konsultasyon, naniniwala ako, ang aking mga lider sa iba’t ibang panig ng bansa at ang aking pa­ milya, na mas epektibo kong mapag­lingkuran ang ating mga kababayan kung ako’y mananatili bilang senador,” sabi ni Revilla.

Hiniling din ni Revilla sa kanyang mga kasamahan sa partido na tigilan na siya at huwag nang ikonsidera bilang katambal ni Teodoro.

Ayon sa isang impor­ mante, naging masipag sa panliligaw kay Revilla ang emisaryo ng Malacanang sa katauhan ni Presidential Adviser on Political Affairs Gabriel Claudio upang pilitin itong tumakbong vice president.

 Samantala, inamin na­man ni Senator Juan Mi­guel “Migz” Zubiri na ma­ging siya ay inalok na tu­makbong vice president ng administrasyon.

Pero agad umanong tinanggihan ni Zubiri ang na­sabing alok dahil sa nga­yon, siya ang tumata­yong majo­ rity leader ng Senado. (Malou Escudero/Rudy Andal)

Show comments