Indian evangelist nasa Maynila

MANILA, Philippines - Dumating sa bansa ang Indian Evangelist at pinuno ng Jesus Ministry na si Sadhu Sundar Sel­varaj, kung saan magi­ging tagapagsalita sa komperensiya ng Intercessors for the Philippines Inc., sa darating na Nobyembre 14 dakong alas-6 ng gabi. Siya din ang magi­ging panauhin at tagapagsalita sa Nob­yembre 15 sa ika-26 ani­bersaryo ng Christ the Living Stone Fellowship na gagawin din sa Ynares Sports Arena sa San Juan.

Ipinapangaral ni Sa­dhu ang salita ng Dios, partikular na ang kata­pusan ng daigdig at kung paano mabubuhay ng may kabanalan bilang Kristiyano.

Sa Nobyembre 17-19, si Sadhu ay panauhin at tagapagsalita din ng 20th year National Prayer Ga­thering (NPG) na gaga­napin sa Waterfront Hotel, Lahug, Cebu City kung saan ito ay inor­ganisa ng IFP sa pangu­nguna ni Bishop Daniel Balais at dadaluhan ng libo-libong mga Kristiyano sa buong bansa. Si Bro. Eddie Villanueva, na tatakbo sa pagka-pangulo sa 2010, ay isa sa mga panauhin at tagapagsalita din dito. (Grace Amargo-dela Cruz)

Show comments