Illegal loggers iipitin sa baha

MANILA, Philippines - Iniutos kahapon ni Pangulong Gloria Arroyo sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na papanagutin ang mga illegal loggers na ku­ malbo sa kandundukan na na­ging dahilan ng malawa­kang pagbaha sa Metro Manila at ibang panig ng Luzon.

Ginawa ni Pangulong Arroyo ang kautusan sa ginawa niyang pagbisita sa Southville housing project sa barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal kahapon.

Tiniyak din ng Pangulo sa mga titira sa 3,000 units sa Southville housing project na ligtas sa baha at lindol ang nasabing relocation sites. Ang mga biktima ng pagbaha kama­kailan ng bagyong Ondoy ang lilipat sa nasabing housing pro­ ject. (Rudy Andal)

Show comments