Buwis sa tiangge legal daw

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Palasyo na legal ang ga­gawing pagpapataw ng buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga tiangge ngayong Kapas­kuhan.

Sinabi ni Press Secretary Cerge Remonde, hindi exempted ang mga tiang­ge sa pagbabayad ng bu­wis dahil nasa batas na­man na dapat lamang silang buwisan.

Kung noong araw anya ay hindi napapata­wan ng buwis ang mga tiangge ay naging “inefficient” lamang ang mga tax collectors.

Samantala, walang ba­lak ang Malacañang na hilingin ang pagbibitiw bilang delicadeza nina Finance Secretary Marga­rito Teves at Customs Commissioner Napoleon Morales.

Si Sec.Teves ay ti­nang­hal kama­kailan bilang Finance Secretary of the Year sa Asya dahil sa kahusayan nito.

Ipinauubaya na la­mang niya sa mga opisyal ng gobyerno na nabigo na makuha ang kanilang “target collections” kung dapat ba nilang tularan si BIR chief Sixto Esquivias IV na nagbitiw matapos mabi­gong makuha ang target collections ng ka­nilang ahensiya. (Rudy Andal)

Show comments