Kandidatong maraming bodyguard target ng PNP

MANILA, Philippines - Ipadidiskuwalipika ng Philippine National Police (PNP) sa Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidatong mag­dadala ng sangkatutak na mga armadong bodyguards kaugnay ng ga­ganaping 2010 national elections sa bansa.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief Director Ge­ne­ral Jesus Verzosa na ire­rekomenda nila sa Co­melec na dapat ay dala­wang ‘uniformed personnel’ lamang ng PNP at da­lawa ring private agents sa bawat isang kandidato ang maging bodyguard ng mga pu­litikong ta­takbo sa anu­mang po­sisyon.

Ang hakbang ay upang matiyak na magiging ma­payapa at matiwasay ang gaganaping pambansang halalan.

Kaugnay nito, iniha­yag naman ni PNP Task Force HOPE (Honest, Orderly and Peaceful Elections) Commander P/ Deputy Director General Jefferson Soriano na walang sasantuhin ang nasabing kampanya ng PNP at hindi rin umano exempted sa Comelec resolution maging si peoples champ Manny Pacquiao.

Si Pacquiao ay una ng nagpahayag ng pagna­nais nitong tumakbo sa Saranggani Province bi­lang Kongresista.

Sa kasalukuyan, may­roon na silang dalawang prominenteng pulitiko na posibleng maisama sa rekomendasyon na kilala sa sangkatutak na pag­dadala ng bodyguard ngunit tumanggi naman nitong ibunyag sa nga­yon.

Show comments