Chiz kinatigan ng KMU

MANILA, Philippines - Pinuri kahapon ng mi­litanteng grupong Kilu­sang Mayo Uno ang pag­kalas ni Senador Francis “Chiz” Escudero sa Nationalist People’s Coalition na isang hakbang na itinuturing nilang pagta­li­kod sa mala­ laking ne­gos­yante.

Partikular na pinuri ng KMU ang paninindigan ni Escudero laban sa labor contractualization at Oil Deregulation Law.

Sinabi ni KMU Chairman Elmer Labog consistent si Escudero sa mga pro-people stand nito pero nagkaroon ng agam-agam ang kanilang grupo dahil sa kaugnayan ng senador kay Danding Co­juangco na siyang titular head ng NPC.

Ang labor contractua­li­zation, ayon sa kanya, ang pinakamataas na uri ng pang-aapi sa mang­gagawa ng mga kapita­lista at ang Oil Deregulation Law na­man ay sumi­sipsip ng dugo sa bawat Pilipino.

Hindi rin naniniwala ang KMU na isang political suicide ang ginawang pag­lisan ni Escudero sa NPC.

“Naniniwala kami na baligtad ito at lalong binig­yang buhay niya ang kan­yang kampanya sa pagka-pangulo dahil sa pagiging makatao nito,” sabi ng KMU.

Samantala, inamin ni Congressman Mark Co­juangco na ang mga radi­kal na pananaw ni Escu­dero na salungat naman sa konserbatibong posis­yon ng NPC ang naging lamat at dahilan ng pag-alis ng senador sa kan­yang par­tido,     

Ayon sa kanya, si Es­cudero ay trinatong “fairly and squarely” sa NPC ngu­nit gusto umano ng sena­dor na manindigan agad ang partido sa ilang usa­pin.

Dalawa sa mga isyu na naging salungat ang sena­dor at ang partido ay ang “legislated P125 wage increase” at ang mungkahing kondonas­yon sa bilyong utang ng mga magsasaka sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program. (Butch Quejada)

Show comments