MANILA, Philippines - Magkakaroon ng special registration sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong si Santi.
Ito naman ang inanunsiyo kahapon ni Commission on Elections Chairman Jose Melo na nagsabing kinuha na lamang ang mga pangalan ng mga pumila sa mga satellite offices ng Comelc at pinababalik sa Martes, November 3.
Ayon kay Melo, hindi rin kasi nagamit ang mga data capturing machines dahil sa pagkalawa ng supply ng kuryente.
Natuloy naman hanggang hatinggabi ang registration sa mga lugar kung saan agad na naibalik ang kuryente.
Iginiit ni Melo na pinagpalista na lamang ang mga nais na magparehsitro kahapon at bi nigyan ng application form at kukunan ng biometrics at babalik na lang bukas.
Kaugnay nito, idinagdag pa ni Melo na walang extension ng registration ng mga bagong botante at ang special registration ay para lamang sa mga naapektuhan ni ‘Santi’. (Doris M. Franche)