Santi lumayas, 12 patay

MANILA, Philippines - Tuloy na ang pag­titirik ng kandila sa bawat pun­tod sa mga semen­teryo ngayong Araw ng Undas maka­raang luma­yas na sa ban­sa ang bag­yong San­ti.

Gayunman, napa­ulat na 12 katao ang na­sawi sa pananalasa ng bagyo sa Luzon.    

Sinabi ni Philippine Atmospheric, Geophy­sical and Astronomical Services Administration spokesman Nathaniel Cruz na wala nang pe­ligro matapos na pu­munta si Santi sa Southern Luzon at magtuloy-tuloy ito patungong South China Sea, pa­sado alas 10 ng umaga kahapon.

Ayon kay Cruz, ina­asahang magtutuloy-tu­loy ang magandang pa­nahon sa bansa, sa san­daling ang bag­yong si Santi ay tulu­yan nang lu­mabas ng bansa at po­sibleng maganap ito nga­yong umaga.

Sinabi ng mga aw­toridad na magiging maayos ang pagtitirik ng kandila at iba pang tradisyon sa paggunita sa Araw ng mga Patay sa inaasahang pag­ganda ng panahon nga­yon.

Base sa weather bulletin ng Pagasa, kahapon ay namataan si Santi sa layong 120 kilometers mula sa west-southwest ng Me­tro Manila. Taglay nito ang hanging 120 kph malapit sa gitna at pa­bugso-bugsong la­kas na 150 kph. Nga­yong Ling­go ng uma­ga, si Santi ay po­sib­leng tuluyan nang lu­mabas sa bansa.

Sa kabila nito, na­natili namang nasa signal no. 3 ng bagyo ang Lubang Island sa Northern Section ng Mindoro; Signal no. 2 sa Bataan, Cavite, Ba­tangas, at Metro Manila; Signal no. 1 Zam­bales, Tarlac, Pam­panga, Bula­can, Rizal, Laguna, Que­zon, Ma­rinduque, at Northern Palawan.

Batay sa ulat ng di­sas­ter coordinating council, tatlo katao ang na­sawi habang lima ang nawa­wala sa Laguna dahil sa pana­ nalasa ng bagyo.

Pito naman ang na­pa­ulat na nasawi sa Bicol na ang anim ay nasa Ca­marines Norte at isa sa Catanduanes.

Sinabi ng National Disaster Coordinating Coun­cil sa isang pana­yam sa radyo na dalawa pa ang namatay sa Muntinlupa.

Sinabi pa ng NDCC na 115,000 katao ang na­apektuhan ng bag­yong Santi.

Ayon pa kay Cruz, inaasahang ang bansa ay magkakaroon ng magan­dang panahon lalo na ngayong Un­das.

Samantala, dahil sa bagyo, nagdulot ito ng ma­lawakang brownout, pagbaha, at landslides sa ilang parte ng Southern Luzon at Bicol.

Naitala ang mala­kas na ulan na aabot sa 350 millimeter sa Alabat Island sa Que­zon simula alas-8:00 ng umaga ng Biyernes at alas-8:00 ng umaga ng Sabado. Sa Tanay, Rizal ay nagtala ng 157 millimeters na pag-ulan.

Ang mga floodgates sa Ipo Dam sa Bulacan at Pantambangan Dam sa Nueva Ecija ay isi­nara na kahapon. Ang Ambuk­lao dam sa Ben­guet na apat na gate pa ang nakabukas ngunit may 22 cubic meters kada segun­do lamang ang pinapa­kawalang tubig. (Basahin sa Pahina 3 at 6 ang mga kaugnay na ulat)

Show comments