MANILA, Philippines - Bahagyang kumilos ang bagyong Santi at inaasahang papasok ito ng Pilipinas ngayong umaga ng Huwebes.
Gayunman, sinabi ng Pagasa na kapag pumasok na sa bansa si Santi, ito naman ay agad na lalabas ng bansa sa araw ng Linggo.
Sinabi ni Pagasa Director Prisco Nilo, si Santi ay patuloy na lumalakas at posibleng umabot ang hangin nito sa 200 kilometro bawat oras.
Makakaapekto si Santi sa Central Luzon at Metro Manila kayat dapat maghanda ang mga residente ng mga lugar na ito. Kahapon, ito ay namataan sa layong 2,200 kilometro silangan hilagang silangan ng Visayas taglay ang lakas ng hanging 65 kilometro bawat oras at may pagbugso hanggang 80 kilometro bawat oras.
Samantala, tatlo pang bagyo ang inaasahang papasok sa bansa bago matapos ang taong ito. (Angie dela Cruz)