Aksyon ni GMA sa North Harbor hingi

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ang Alliance of Port/Transport Workers and Porters kay Pangulong Gloria Ma­ capagal-Arroyo na pakialaman ang pagsasa­pribado ng North Harbor dahil malaki ang epekto nito sa maliliit na mang­ga­gawa lalo na ngayong kapaskuhan.

Ayon kay Jake Azores, pangulo ng alyansa, dapat kinonsulta muna ng Philippine Ports Authority ang may 4,000 manggagawa sa pamamagitan ng kanilang unyon at umbrella organization hinggil sa pribatisasyon.

Sinabi ni Azores na malaki ang maitutulong ni Pa­ngulong Arroyo sa usapin at kalagayan ng mga mang­gagawa sa North Harbor dahil ang apektado nito ay ang pamilyang umaasa sa pantalan.

Idinagdag niya na hindi sila tutol sa modernisasyon ng North Harbor pero dapat ay ipaliwanag sa mangga­gawa kung bakit isang tao lamang ang lumabas na interesado at nagwagi sa privatization program ng PPA.

Ayon naman kay Carling Nicol, vice president ng alyansa, kung hindi na mapipigilan ang priba­ tisasyon, dapat kilalanin ng harbor center ang kanilang kahilingan tulad ng absorpsiyon ng lahat ng manggagawa at porters ng walang limitasyon; alisin ang tatlong taong nakasaad sa term of reference; pagtiyak na mabayaran ang past services ng 300 porsyento ng monthly pay per year of service; pagkilala sa unyon; libreng relokasyon sa lahat ng apektadong ko­munidad; at job security ng mga empleyado. (Butch Quejada)

Show comments