Manilenyo hinikayat magparehistro

MANILA, Philippines - Nanawagan si dating presidential peace adviser Sonny Razon sa mga kwa­ lipikadong botante sa May­nila na magparehistro bago ang itinakdang deadline ng Comelec sa October 31, 2009 para sa registration upang makaboto sa dara­ting na 2010 election.

Pinaalalahanan din ni Razon ang mga residente na magdala ng anumang valid identification card sa pagpaparehistro tulad ng company ID, students o library ID, postal ID, driver’s license, NBI/PNP clearance na may larawan, passport, Professional Regulatory Commission (PRC) ID, Integrated Bar of the Philippines (IBP) ID at SSS/GSIS ID.  Gayun­man, hindi aniya tatangga­pin ng Comelec bilang valid requirement ang Community Tax Certificate o sedula.

Ayon pa kay Razon, di na dapat pang hintayin ang huling araw ng pagpapa­rehistro para maiwasan ang aberya at pagmama­dali.

Maaring magpare­histro ang mga Manilenyo sa tanggapan ng Comelec-Manila na matatagpuan malapit sa LRT-Central Station simula alas-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon kabilang ang Sa­ ba­do at Linggo. (Ludy Bermudo)

Show comments