Climate Change Law pirmado na

MANILA, Philippines - Nilagdaan na kahapon ni Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo ang Republic Act 9729 o ang Climate Change Law sa isang sim­pleng seremonya sa Mala­cañang.

Sa paglagda ng Pa­ngulo sa Climate Change Law ay maitatayo ang Climate Change Commission kung saan ang chief executive ang magsisilbing chairperson nito at may 3 commissioners na ang trabaho ay bilang independent po­ licy-making body na katum­bas ng isang national government agency.

Ang komisyon ay na­ata­sang bubuo ng mga pro­gra­ma at magreko­menda ng mga legislation sa pagharap sa climate change, adaptation at mitigation sa anu­mang pin­ sala dulot ng mga kala­midad.

Sinabi naman ni Executive Sec. Eduardo Ermita, dahil sa batas, ma­papa­la­wak at mapa­paigting ang information dissemination sa mga bagay na dapat gawin at hindi gawin sa ka­likasan.

Ayon kay Sec. Ermita, magbibigay din ito ng technical at logistic assistance sa mga local government units para sa disaster risk reduction. (Rudy Andal)

Show comments