MANILA, Philippines - Mas humina pa ang bagyong Ramil kahapon at malamang sa Lunes na ito mag-landfall.
Ayon sa PAGASA, si Ramil ay namataan sa layong 300 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan at bumaba na lamang sa 160 kilometro bawat oras ang hangin nito malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 195 kilometro bawat oras.
“Nagbago ang kanyang speed of movement. Kahapon around 15 kph, subalit bumagal pa kaninang madaling araw. Halos 3 kph lang... so medyo matatagalan pa bago tumama ng kalupaan,“ pahayag ni PAGASA director Prisco Nilo.
Nakataas pa rin ang signal no. 3 sa Batanes Group, Cagayan,Calayan Island,Babuyan Islands at Apayao. Signal no. 2 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, Isa bela, Abra, Mt. Province, Ifugao, Benguet, La Union, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora at signal no. 1 naman sa Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Pampanga, Bulacan, Northern Quezon at Polillo Islands. (Angie dela Cruz)