MANILA, Philippines - Pinagtibay na ng Commission on Elections (Comelec) ang merger ng administration party na Lakas-KAMPI-CMD.
Ito ang inihayag ni Comelec second division head Commissioner Nicodemo Ferrer matapos ang kanilang ginawang en banc session.
Magugunitang mahigpit na tinututulan ng isa sa mga founder ng Lakas na si dating House Speaker Jose De Venecia ang nasabing merger dahil sa iligal umano ito at hindi umano sila inabisuhan bago ang pagsasanib ng dalawang partido.
Dahil sa desisyon ng Comelec, maaari ng tawagin na isang grupo ang naturang political party. (Doris Franche)