Eroplano bumagsak: 4 patay!

MANILA, Philippines - Patay ang apat ka­taong sakay ng isang ero­plano matapos itong bu­magsak kahapon ng tang­hali sa isang subdivision sa Brgy. Aldana, Las Piñas City.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Roberto Rosales, ang insidente ay naganap da­kong alas-12:30 ng tang­hali matapos na sumabog ang DC–3 aircraft, RPC 550 na pag-aari ng Victoria Air Corporation sa Villa Fidela Subdivision, Plaza Quezon.

Kinilala ang mga bik­tima sa pangalang Capt. Huane, piloto; Mr. Rivera, Mr. Sinaya at isang Mr. Cadigan.

Sinasabi din na pito katao ang sakay ng natu­rang eroplano ng umalis sa Ninoy Aquino International Airport General Aviation para magsagawa ng test flight sa Palawan.

Halos durog at sunog na sunog ang mga bang­kay na narekober dito kaya susuriin na lang ang Flight manifest upang matukoy ang pag­ kakakilanlan ng mga ito. Pinaniniwalaan naman na nagkaroon ng aberya ang eroplano ha­bang nasa ere kaya bu­magsak.

Nabatid na nagtake-off ang nasabing light plane sa NAIA patungong Pala­wan nang bigla na lamang itong bumulusok paibaba at umapoy pagbagsak sa isang bodega rin sa natu­rang lugar. Sumugod na­man ang mga bumbero sa lugar at naapula ang apoy pagkalipas ng ilang oras.

Ayon naman kay Philippine Air Force (PAF) spokesman Lt. Col. Gerry Zamudio, agad na rumis­ponde sa crash site ang isa nilang chopper mula sa Villamor Air Base upang tumulong sa search and retrieval operations sa mga biktima ng trahedya.

Patuloy ang isinasa­gawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nang­yaring pagbagsak ng natu­rang light plane habang hinahanap ang “black box” na magbibigay linaw sa insidente.

Samantala, kinukum­pir­ma din ng mga otoridad ang balitang sapilitang kinuha ang eroplano mula sa hangar.

Show comments