Motor at rubber boats ang kailangan, di motor pool

MANILA, Philippines - Sa panahon ng ka­lamidad, hindi motor pool na nagkakahalaga ng P11.7 milyon ang kaila­ngan kundi mga motor boat, rubber boat o mga trak na magagamit sa pagliligtas sa mga nabi­biktima ng baha dito sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan lalu’t may mga malalakas pang bagyong darating sa bansa.

Ito ang suhestiyon ni Konsehala Fe Ramos kay Mayor Bartolome “Omeng” Ramos matapos na ma­ipasa sa Konseho ang naturang halaga na ipam­bibili sa mahigit 50 ektarya ng lupain sa Barangay Tabing-Bakod ng nabang­git na bayan.

Hindi anya napapa­nahon na magpalabas ng ganitong kalaking halaga si Mayor Ramos para lamang ipambili ng lupa na pag­paparadahan at pag-iim­bakan lang ng mga sasak­yan ng muni­sipyo.

Mas maraming bagay dapat pag-ukulan ang pon­do ng bayan sa panahon ng kalamidad lalu’t marami pa rin sa kanyang mga kaba­bayan ang nawasak ang mga bahay, nawalan ng pang­kabuhayan at higit sa lahat, nasalanta ang general hospital at nasira ang dalawang tulay sa Brgys. Catmon at Cay­pombo.

Show comments