Hi-tech na mga armas sa gun show

MANILA, Philippines - Muling magsasama-sama ang mga panguna­hing gun manufacturers at dealers sa bansa sa pagta­taguyod ng mga bagong armas at mga shooting paraphernalia sa nakatak­dang 2009 Defense and Sporting Arms Show (DSAS) Part 2 sa November 12 to 16, SM Mega­mall, Mandaluyong City.

Ayon kay Atty. Hector Rodriguez, presidente ng Association of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD), pinalawak ang exhibit area ng DSAS Part 2 ngayon taon sa kanilang pag-okupa ng Mega Trade Hall 2.

Sa mga nakalipas na DSAS Part 2 events, ta­nging ang Mega Trade Hall 1 sa ika-limang palapag ng Building B, SM Megamall lamang ang ino-okupa ng mga gun exhibitors kaya’t kadalasan ay nagsi­sik­sikan ang mga libu-libong mga gun aficionados na nagtutungo sa pina­ka­malaki at pinaka-pres­ti­yosong gun show event sa bansa.

Sa opening ceremonies ng DSAS Part 2 sa darating na ika-12 ng Nob­yembre, kumpimadong dadalo si PNP chief, Director General Jesus A. Verzosa at si Chief Supt. Alfredo N. Caballes, director ng PNP Firearms and Explosives Division (FED) habang maraming iba pang senior police officials ang naiimbitahan sa na­ sabing okasyon. (Danilo Garcia)

Show comments