MANILA, Philippines - Mahigit 90,000 senior citizen ng Caloocan City ang muling bibigyan-parangal ni Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa selebrasyon ng Elderly Week mula Ok tubre 1 hangang 7. Ayon kay Mayor Recom, isinusulong ng Elderly Week ang patuloy na suporta ng pamahalaang lungsod para sa mga nakatatanda upang lalong mapagbuti ang kanilang kapakanan.
Sa loob ng apat na taong paggunita ng lungsod sa Elderly Week, nagsilbing senior counterpart ng mga pinuno ng pamahalaang lungsod ang mga nakatatanda.
Ang naturang programa, na sinimulan nina Mayor Echiverri at Office of the Senior Citizen Affairs, ay kumikilala at sumusuporta sa mga senior citizen dahil sa kanilang kontribusyon sa tinatamong kaunalaran ng lungsod. Sa Lunes, pangungunahan nina Mayor Recom at City Administrator Russel Ramirez ang ceremonial assumption ng mga senior citizen sa kanilang pwesto sa lokal na pamahalaan.