MANILA, Philippines - Tiniyak ni Public Attorney Office (PAO) Chief Atty. Persida Acosta na mas palalakasin nito ang serbisyo sa publiko dahil mas makakaagapay ang mga abogado nito para sa kapakanang legal.
Sinabi ni Acosta sa 3rd Accredited Mandatory Continuing Legal Education PAO National Convention, mas mapapabuti at lalawak ang kaalaman sa batas ng mga abogado ng bayan, kasabay ang pahayag na may P58M dagdag pondo ang ahensiya
Samantala, sinabi naman ni Senator Manny Villar, bilang keynote speaker sa pagtitipon ang kahalagahan ng batas lalo na sa mga mahihirap na nagiging biktima ng “injustice”.
Kinilala din nito ang pagbibigay ng libreng serbisyo ng PAO sa mga mahihirap sa bansa at dapat aniya na mabigyan ng tulong ang mga OFWs na nakakulong sa ibang bansa. Ang nasabing convention ay nagsimula noong September 28, hanggang October 2, 2009 kung saan ang pondong ginamit dito ay mula sa USAID, US Department of State at ng American Bar Association na inaprubahan naman ng Department of Justice (DOJ) at ng Department of Budget and Management. (Gemma Garcia)