Gibo nalo sa mock polls

MANILA, Philippines - Nagwagi sa isang mock elections para sa mga presidential bets na isinagawa kahapon ng Kapisanan ng mga Brod­kaster sa Pilipinas si Defense Secretary Gilberto ‘Gibo’ Teodoro Jr. kaugnay ng gaganaping 2010 national elections sa bansa.

Sa 21 bumoto, naka­kuha ng walong boto si Teodoro; pangalawa ang pinsan at katunggali nitong si Benigno Simeon “Noynoy“ Aquino III, 4 na boto; nag-tie naman sa tigatlong boto sina Francis ‘Chiz’ Escudero, Manny Villar at dating pa­ ngulong Joseph Estrada.

Wala namang naku­hang boto si Loren Le­garda sa mock polls ng KBP Manila Chapter na pinangunahan ng Pangulo nito na si Rey Langit.

Sa panig ng mga bu­moto kay Gibo, naniniwala ang mga itong siya ang pi­ nakakuwalipikado sa hanay ng mga presiden­tiables.

Si Gibo ay isang bar topnotcher at nagpaka­dalubhasa sa Harvard University sa Estados Unidos, isang premyadong Law School sa nasabing bansa.

Nang matanong na­man si Teodoro ay ikina­tuwa nito ang pagwawagi sa naturang ‘mock polls’. (Joy Cantos)

Show comments