Puno di pa siguradong bise ni Gibo

MANILA, Philippines - Wala pang kasigu­ruhan na si DILG Secretary Ronaldo Puno ang magi­ging runningmate ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. sa ilalim ng Lakas-Kampi-CMD.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Silvestre Bello III, malalaman ang magi­ging pambato ng administration party sa vice presidential bet kasama ang buong senatorial slate sa darating na party convention sa October 21.

Ayon kay Bello, ang national executive committee ng Lakas-Kampi-CMD ay nagkaroon pa lamang ng consensus para sa magiging standard bearer ng partido at ito ay si Sec. Teodoro subalit ang magi­ging vice-presidential candidate ay hindi napag-usapan dito.

Lumitaw na si Puno ang posibleng maging ka-tandem ni Teodoro dahil ito pa lamang ang nagpapa­hayag ng intensyong tu­makbong vice-president.

Subalit ngayon ay lu­mulutang na nais na rin tumakbong VP nina MMDA Chairman Bayani Fer­nando at Batangas Gov. Vilma Santos-Recto na itinutulak ng ilang go­ber­nador at iba pang per­sonalidad. (Rudy Andal)

Show comments