LTO drive pinuri

MANILA, Philippines - Pinapurihan ng Association of Private Emission Testing Centers sa Region 1 at 4 ang all out campaign ni Land Transportation Office Chief Arturo Lomibao laban sa Non-appearance (NA) sa emission testing at ginawang pagsuporta nito sa hakbang ng Coalition of Clean Air Advocates at PETC-IT Providers hinggil dito.

Sa isang sulat kay CCAA President Jojo Buerano at Philippine IT providers for Clean Air (PICA), ang samahan ay nagpupugay sa kampanya ng CCAA at PICA at suporta sa ginagawang pagkilos ni Lomibao laban sa NA.

Ayon sa samahan patuloy nilang ipatutupad ang kampanyang ito at mga   pagkilos upang mareporma ang industriya dahil ngayon lamang nila naramdaman ang solusyon dito at proactions makaraan ang pitong taon. (Angie dela Cruz)

Show comments