MANILA, Philippines - Inamin ng Department of Education na umaabot na sa nakapanlulumong 5.6 milyong kabataang Pinoy ang hindi nakapag-aaral ngayon sa buong bansa dahil sa iba’t ibang rason.
Pangunahin umano sa mga dahilang ito ang labis na kahirapan sa maraming lugar sa Pilipinas kung saan hindi makayanan ng mga pamilya ang pagtustos sa mga kagamitan sa paara lan kahit na ginawang libre ang pag-aaral ng mga bata.
Dahil dito, target ng DepEd na kunin ang tulong ng mga local na pamahalaan sa pamamagitan ng programang “Reaching All Children (REACH)” kung saan layon na mahikayat na makabalik sa mga paaralan ang mga kabataan at makapag-aral.
Magiging tungkulin umano ng mga “local government units” na tukuyin ang mga “out of school youths (OSY)” sa kanilang mga barangay at hikayatin na bumalik sa pag-aaral ang mga ito. (Danilo Garcia)