'Sirang cellphone itapon ng maayos'

MANILA, Philippines - Hinikayat ni Quezon City Councilor, Atty. Ariel Inton ang mga cellphone users na itapon ng maayos ang mga sirang cellphone para makatulong na proteksiyunan ang kapaligiran.

Ayon kay Inton, malaki ang kontribusyon ng tinatawag na E-waste sa kapaligiran at ito ay banta din sa kapaligiran at inang kalikasan.

“E-waste is quickly becoming one of the most fast-spreading polluters in our society today,” saad ni Inton.

Iginiit pa ng konsehal na dapat ay pahabain ang bu­hay ng mga electronic gadgets gaya ng lumang cell­phone at di muna itapon dahil narerepair naman ang mga ito at tamang pagtatapon lang ang kailangan para maiwasan ang pagtaas ng mga nakalalasong kemikal sa mga landfill na sumasama rin sa tubig at hangin. (Ricky Tulipat)

Show comments