5 barko ng Aboitiz pwede nang maglayag

MANILA, Philippines - Maaari ng makapagla­yag muli ang limang bar­ko na pag-aari ng Aboitiz Transport System na una ng sinuspinde ng Maritime Industry Authority (Marina) matapos ang paglubog ng SuperFerry 9.

Base sa kautusan ni Marina Administrator Ma. Elena Bautista, pinaalis nito ang suspension order laban sa mga barko ng Aboitiz na MV Superferry 2, 12, at 19 at MV Cebu Ferry 1 at 2.

Matatandaan na nauna ng hiniling ni Atty. Arthur Lim, abogado ng Aboitiz, sa Marina na payagan ng makapaglayag ang limang barko nila dahil wala na­man itong kinalaman sa lumu­ bog na Superferry 9.

Iginiit pa ni Lim na ka­kasailalim lamang sa inspection ng mga nasabing barko at mismong Marina pa ang sumuri dito.

Bukod dito malaking kawalan din umano ito sa transportasyon sa Visayas at Mindanao dahil isa ito sa pangunahing nagbibigay ng transportasyon sa tubig sa ating mga kababayan doon.

Samantala, nanatili namang suspendido ang biyahe ng iba pang barko ng Aboitiz na MV Su­perFerry 1 na nasunog ang kusina kamakailan, MV Mt. Carmel at MV Our Lady of Good Voyage. (Gemma Garcia/Mer Layson/Ludy Bermudo)

Show comments