MANILA, Philippines - Tiniyak ni Presidential Peace Adviser Avelino Ra zon Jr., na matutuloy na ang naudlot na peace talks sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ayon kay Sec. Razon, ipinabatid sa kanya ni GRP panel chairman Ambassador Rafael Seguis na wala ng hadlang para maantala ang peace negotiations sa MILF matapos na magkasundo ang GRP-MILF panel na bumuo ng International Contact Group para makapaglatag ng consensus upang maging matagumpay ang usaping pangkapayapaan.
Ang ICG ay binubuo ng mga interesadong bansa at mga international non-government organizations.
Nanawagan din si Razon sa bawat panig na magtiwala sa isa’t-isa para tuluyan ng mahinto ang hidwaan sa pagitan ng gobyerno at mga rebelde.
Sinabi ni Razon na na ging epektibo ang pinairal na suspension of military operations (SOMO) ng gobyerno at Suspension of Military Actions (SOMA) ng MILF kasabay ng Ramadan. (J. Cantos/Rudy Andal)