3 OFWs patay sa Middle East

MANILA, Philippines - Tatlong overseas Filipino workers ang mag­kakasunod na nasawi sa Middle East at isinisigaw ng kanilang pamilya na posi­bleng nagkaroon ng “foul play” sa kanilang pagka­sawi.

Kinilala ang mga OFW na sina Daniel Enera, Men­suita Basibas at Dominador Quieta.

Ayon kay Leonard Mon­terona, Migrante-Middle East regional coordinator, iniulat ang pag­kasawi ni Enera noong Setyembre 14, 2009 sa Obaidah Hospital sa Ri­yadh, Saudi Ara­bia. Du­maranas umano ng kidney at liver problem ang nasabing OFW na sina­sabing naging sanhi ng kanyang pagkasawi.

Sa kaso ni Basibas, noong Agosto 10 at may tumawag lamang sa ka­anak nito na hindi nagpa­kilala hinggil sa pagka­sawi ni Basibas. Nakum­pirma ng Migrante na na-repatriate na sa Pilipinas ang mga labi ni Basibas noong Setyem­bre 10.

Kaduda-duda rin uma­no ang pagkasawi ni Do­mina­ dor Quieta, 48, noong Hulyo 20, 2009. Namatay si Quieta sa habang kinukumpuni ang isang makina nang biglang may nagbukas umano ng switch, dahilan upang tu­makbo ang makina at kainin siya.

Ang mga labi nina Enera at Quieta ay nasa Saudi Arabia pa rin habang pi­noproseso ang pagpa­pauwi sa Pilipinas. (Ellen Fernando)

Show comments