Gulo nakikitang senaryo sa 2010 polls

MANILA, Philippines - Bagaman hindi niya tuwirang kinokontra ang pag-apruba ng Korte Supre­ma sa full poll automation sa Mayo 2010, gulo ang nakiki­tang senaryo ni Joey de Ve­ne­cia III sa darating na halalan.

Ayon kay Joey, narara­pat ikonsidera ng Comis­sion on Elections (Come­lec) ang pagsasagawa ng full automation sa National Capital Region lamang.

Bagaman inaprubahan ng Supreme Court ang poll automation, malinaw anya na hindi nito papayagan ang Comelec na ituloy ang aw­tomasyon kung posi­bleng may malaking pro­blemang nakabinbin ukol dito.

“Tatlong araw bago ang eleksyon, idedeliver sa mga voting precincts ang 80,000 machines at hindi malayong magkaroon ng mga malala­king problema, lalo’t nanga­ngailangan tayo ng 47,000 technician na magbabantay sa mga makina,” paglilinaw ni Joey na isang IT businessman na pioneer ng broadband technology sa Asya at tumulong magtatag ng call center industry sa bansa.

Binigyang-diin ni Joey na kahit pa makakuha ng 47,000 kwalipikadong computer technicians ang Smartmatic na nanalo sa bidding kaugnay ng computerized election sa Pilipinas, mas mainam pa rin kung sumailalim muna ang mga ito sa masin­sinang pagsa­sanay upang matiyak na magiging ma­linis ang automated polls.

Hindi rin kumbinsido ang kilalang ZTE-NBN whistle­blower na magiging katiwa-tiwala ng resulta ng halalan sa 2010, lalo na’t sa buwan ng Mayo ay madalas na masama ang lagay ng pa­nahon. Isa anya sa maaa­ring ikasira ng automated polls ang mga bagyo, mechanical failure o pagkawala ng suplay ng kuryente sa ka­sagsagan ng bilangan ng boto. (Butch Quejada)

Show comments