Relihiyon huwag gawing pamantayan sa pagpili ng kandidato - obispo

MANILA, Philippines - Hindi umano dapat gawing pamantayan ng tao ang relihiyon o pagi­ging malapit sa obispo para ihalal ang isang pi­nuno ng bansa.

Ito ay ayon kay Tagbi­laran Bishop Leonardo Medroso kaugnay sa pagdedeklara ng kandi­datura ni Senador Be­nigno “Noynoy” Aquino III, na ang pamilya, partikular na ang kanyang inang si dating Pangulong Cora­zon Aquino, ay kilala sa pagiging malapit sa Sim­bahang Katoliko.

Ipinaliwanag ni Med­roso, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Canon Law (ECCL), dapat tingnan ang kaka­yahan, katapatan at mo­ralidad ng isang pinuno kung papaano niya pa­mahalaan ang bansa at hindi ang kanyang im­ plu­wensya sa lipunan.

Aminado naman ang Obispo na sa ngayon ay hindi niya pa gaanong nakikita kay Noynoy ang mga katangian ng pagi­ging Pangulo ng bansa lalo na sa standard ng moralidad.

Aniya, kaya nga dapat na ikonsidera ng tao ang moralidad dahil kung hindi ay posibleng mag­ka­roon political dynasty. Kung pagbabatayan uma­­no ang pangalang Aqui­ no, naka­katakot umano ito na maging daan sa pagkaka­roon ng dynasty.

Nilinaw din ni Medro­so na walang halong pu­litika ang ginawang nationwide mass kaugnay sa paggunita ng ika-40 araw ng kamatayan ng dating Pangulong Cora­zon Aquino.

Pasasalamat lamang ng magkakapatid na Aquino sa publiko ang kanilang nakikitang pag­dalo sa iba’t ibang misa ng magkakapatid na Aqui­no. (Doris Franche/Mer Layson)

Show comments