Pasabog ni Ping vs Erap sa Lunes na

MANILA, Philippines - Muling itinakda sa Lu­nes ang privilege speech ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na magsisiwalat sa lahat ng nalalaman niya kay dating pangulong Joseph Estrada.

Una ng sinabi ni Lacson na hindi niya aatakihin ng personal si Estrada at ang mga impormasyon lang sa pagiging dating opisyal ng gobyerno nito ang kanyang ilalantad sa publiko. Ito ay nag-ugat matapos na mana­wagan si Lacson kay Estrada na iurong na ang kanyang pagtakbo bilang pangulo sa 2010.

Inaasahan naman na babakbakan ni Senador Jose “Jinggoy” Estrada si Lacson matapos na mag­banta ito sa huli na reres­bak sa oras na madehado ang ama.

Sinabi ng isang source, idadaan ni Lacson sa po­wer point presentation ang naturang privilege speech at titiyakin nitong sunod-sunod ang detalye ng expose nito, lalo na ang im­pormasyon bakit naudlot ang unity ticket ng oposis­yon noong 2004 presidential election kung saan tumakbo si Fernando Poe Jr., bilang pangulo. (Malou Escudero)

Show comments