Poll automation sa 2010 OK sa Korte Suprema

MANILA, Philippines - May go signal na ang full automation sa 2010 polls.

Ayon sa isang source na tumangging magpa­banggit ng panglan na sa naganap na en banc session ng mga mahistrado ng Korte Suprema kaha­pon ay nakakuha ng bo­tong 11-3-1 kung saan pinagbigyan ng mga ma­histrado ang full automation sa 2010 elections.

Ang mga tumutol uma­no ay sina Justices Antonio Carpio, Conchita Car­pio-Morales at Arturo Brion habang on leave naman si Justice Leonardo Quisum­bing.

Hindi naman kinum­pirma ni SC Spokesman Atty. Midas Marquez ang nasabing botohan ng mga mahistrado, aniya, sa Huwebes pa ipalala­bas ang kopya ng desis­yon dahil hinihintay pa ang opinion ng ilang ma­histrado.

Una ng hiniling ng gru­pong Concerned Citizen Movement sa pangungu­na ni Atty. Harry Roque sa KS na ipawalang bisa nito ang kontratang nilagdaan ng Comelec sa pagitan ng Smartmartic-Total Information Management.

Iginiit ng mga ito na labag sa batas ang nasa­bing kasunduan dahil batay sa isinasaad ng ba­tas ay dapat na maka­pagsagawa muna ng pilot testing ng mga maki­nang gagamitin sa hala­lan sa buong bansa bago ipatupad ang computerized system na halalan. (Gemma Garcia)

Show comments