OFW nagpabunot ng ngipin sa Kuwait, todas

MANILA, Philippines - Isang Pinoy mechanic ang nasawi matapos mag­ pabunot ng ngipin sa kap­wa Pinoy sa bansang Kuwait. 

Sa report ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait sa De­partment of Foreign Affairs (DFA), ang biktima na nasawi noong Agosto 15 ay kinilala na si Licerio Ca­guicla, 32, tubong San Luis, Batangas, may asawa at tatlong anak.

Ang nagbu­not ng ngipin ng biktima ay nakilala la­ mang sa panga­lang Thel­ma, 15 taon ng den­­tal x-ray technician sa Farwaniya Hospital, na inaresto din kaagad ng mga awtoridad ng Farwaniya Police Station dahil sa illegal medical practice na nagresulta sa pagkamatay ng biktima.

Sa pahayag ni Aleth Mejica, kaibigan ng biktima, nabatid na nagpunta ito sa kanyang bahay noong Agosto 14 at nagpasama sa bahay ni Thelma upang magpabunot ng ngipin.

Napansin naman uma­ no ni Mejica na namamaga ng kaunti ang ngipin ng biktima kaya’t pinayuhan niya ito na sa ospital na lamang magpabunot at huwag kay Thelma.

Gayunman, naging mapilit umano si Caguicla at nagpabunot ng molar tooth kay Thelma na isina­gawa sa tahanan nito.

Matapos ang dental procedure ay ayaw uma­nong maampat sa pagdu­rugo ang gilagid na nabu­nu­tan ng ngipin kaya’t isi­nugod na ito sa paga­mutan, ngunit binawian ng buhay kinabukasan. Ka­agad namang inaresto ng mga awtoridad si Thelma at ikinulong.

Tiniyak naman ng Philippine Embassy sa Kuwait na tinututukan nila ang kaso dahil dalawang Pinoy ang sangkot dito.

Ayon kay Ambassador Ricardo Endaya, kinukon­tak na nila ang pamilya ng biktima at hinihikayat na makipag-out of court settlement na lamang. (Ellen Fernando/Mer Layson)

Show comments