100 pintor magtatayo ng paaralan sa Payatas

MANILA, Philippines - Mahigit 100 pintor mula sa iba’t-ibat bahagi ng bansa ang nakatak­dang sumuporta sa isang fund raising project para magtayo ng day care center sa Payatas, Quezon City.

Ang proyekto na bi­nansagang “Art for Youth’s Sake: Eksibit Para sa Kabataan ng Payatas ay binuo at inorganisa ni Precious Hipolito Castelo, IBC-13 Express Balita News Anchor sa pama­ magitan ng Helping Hands Foundation.

Ayon kay Hipolito, magaganap ang exhibit sa Sept. 28, 2009 sa Congress Lobby ng House of Representatives sa Que­zon City.

Hangad ng proyekto na makakalap ng pondo para sa pagtatayo ng day care center sa Payatas kung saan 50 porsiyento ng proceeds ay mapu­punta sa mga artist sa­mantalang ang natitirang kalahati ay gagamitin naman ng foundation para sa pagpapagawa ng paaralan.

Show comments