Mancao at Dumlao maghaharap

MANILA, Philippines - Nakatakdang magka­harap sa Manila Regional Trial Court sina dating Police Superintendents Cezar Mancao at Glenn Dumlao sa pagtutuloy ng pagdinig ng kasong Dacer-Corbito double murder case.

Tiniyak ni Head Agent Allan Contado ng National Bureau of Investigation na dadalo ang dalawa sa pagdinig sa sala ni Judge Myra Garcia-Fernandez.

Inatasan din ng Department of Justice ang NBI na bigyan ang da­lawa ng seguridad.

Sinabi ni Contado na hindi naman maiiwasan ng NBI ang dalawang dating kasapi ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force na mag-usap.

Si Mancao ay kasalu­kuyang nasa witness protection program ng pa­ma­halaan makaraang pumayag siyang maging testigo laban sa mga nasasangkot sa pagpas­lang sa publicist na si Salvador Dacer at driver nitong si Emmanuel Cor­bito. (Ludy Bermudo)


Show comments