Villar nanguna muli sa survey ng SWS

MANILA, Philippines - Si Senador Manny Vil­ lar na naman ang nangu-na sa pinakabagong pre-sidential survey ng Social Weather Stations.

Ang nationwide survey sa 1,500 respondents ay ginanap nitong Hunyo 19-22 o ilang linggo bago na­ma­tay si dating Pangu-long Corazon Aquino na pi­na­­niniwalaang nagpaba­go sa political landscape para sa 2010 elections.

Sa survey, si Villar ay nagtala ng 22 percent approval, sumunod ang dating pangulong si Joseph Estrada na mayro­ong 19% at Senador Fran­­cis Escudero (18%)

Si Vice President Noli de Castro, na dating na­ ngunguna sa mga survey ay pumang-apat sa kan­yang 14%. Sumunod sa kanya sina Sen. Mar Ro­xas (10%), Sen. Loren Le­garda (6%), Sen. Panfilo Lacson at Makati Mayor Jejomar Binay na kapwa may tig-3% sa ikapitong puwesto.

Ang survey ay mayro­ong marginal error ng 2.5 percent. (Butch Quejada)


Show comments