Piskal sa Dacer slay may death threat

MANILA, Philippines - Humihingi ng segu­ridad sa National Bureau of Investigation ang pis­kal o prosecutor na hu­ma­hawak sa kasong Dacer-Corbito double murder case dahil sa na­ta­tanggap niyang mga banta sa kanyang buhay.

Lumiham si Acting Justice Secretary Agnes Devanadera kay NBI Director Nestor Mantaring para bigyan ng security escort si Senior State Pro­secutor Peter Ong.

Ayon kay Devana­dera, ang mga banta kay Ong ay may kaugnayan sa paghawak nito sa kasong pagpaslang sa publicist na si Salvador Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito.

Kabilang sa isinang­kot ng mga anak ni Da-cer sa kaso si Senador     Pan­filo Lacson. (Gemma Amargo-Garcia)


Show comments