10 iskolar ng First Gentleman Foundation nanggagamot na

MANILA, Philippines - Nagseserbisyo-publiko na sa mga liblib na lugar ang first batch ng mga doktor na pinaaral ng First Gentleman Foundation.

Nagsipagtapos sa University of the Philippines ang sampung estudyante na sina Drs. Vanessa Ca­baluna, Pilarica Caguiat, Romelei Camiling-Alfonso, Hazel Madeleine Capple­man, Anthony Cu, Karen Dalawangbayan, Heidee Exconde, Niko Majarocon, Lemuel Benedict Non at Katerina Nono Abiertas.

Ayon kay Juris Umali-Soliman, pangulo ng foundation, dalawang taong maglilingkod ang mga doktor na siyang tanging hiningi sa kanila ng Unang Ginoo.

Nabatid na noong ka­bataan ni FG Mike ay pi­nangarap nitong maging isang manggagamot ngu­nit hindi natupad dahil sinunod nito ang pakiusap ng kanyang ama na siya ay maging isang abogado.

Sa ngayon ay may 100 scholars na ang FG Foundation.

Show comments