Mga sabungero maglalagay ng kinatawan sa Kongreso

MANILA, Philippines - Maging ang mga sa­bungero ay gusto na ring magkaroon ng kanilang sariling kinatawan sa Kongreso.

Isang grupo na nag­papakilala bilang Alyansa Sabungero ang nagpare­histro kahapon sa Commission on Elections para matanggap na partylist at makalahok sa halalan sa taong 2010.

Kabilang sila sa mga political parties at grupo na humabol sa huling araw ng pagpa­parehistro sa Comelec.

Batay sa record ng Office of the Clerk ng Comelec, umabot na sa 40 political parties at 159 na aspiranteng partylist ang nagsumite ng kani­lang mga petition for registration.

Kabilang pa sa nag­hain ng kanilang petisyon ang KATRIBO na ang mga miyembro ay naka­suot ng katutubong ka­suotan nang magtungo sa Comelec, Akap Bata Sectoral Organization, at Lakas ng Masa.

Ang mga nasabing petisyon ay sasailalim pa sa pagdinig ng Comelec bago tuluyang ideklara ang mga grupong ma­aring makalahok sa party-list elections. (Doris Franche)


Show comments