WARM inilunsad ni Razon

MANILA, Philippines - Pinangunahan kaha­ pon ni Presidential Peace Ad­viser Sonny Razon, Jr. ang paglulunsad ng We are the Reason Movement (WARM), isang bagong citizen movement na ang ad­hi­kain ay magkaroon ng isang makabuluhang alter­natibo at pagbabago sa Maynila.

Idineklara ni Razon na siya ay magiging bahagi ng isinusulong na “advocacy” sa may 6,000 miyembro ng WARM na inilunsad kaha­pon sa Rizal Memorial Stadium sa Malate, Maynila.

Kabilang sa miyembro ang urban poor, ordinar­yong manggagawa, kaba­taan, estudyante, ba­rangay leader, community leader, or­ganizer at mga ne­gos­yan­te na nagkaisa para sa pagbabago ng pa­mumu­hay ng mga resi­dente ng Maynila.Sinabi ni Razon na ang mga mamamayan ang hu­mahawak sa kanilang bu­hay at kinabukasan kaya da­pat na makilahok ang mga ito sa pagbabago. (Doris Franche)

Show comments