MANILA, Philippines - Pansamantalang natigil ang umano’y tang kang pagkamkam sa kapangyarihan ng kaalyado ni Pangulong Arroyo bunga ng pagkamatay ni dating Presidente Corazon Aquino.
Sinasabing pawang natigilan at nagdalawang-isip ang mga miyembro Philippine Military Academy Class ’78 sa pagsuporta kay Arroyo sa Charter change.
Ayon sa isang military officer na miyembro ng PMA Masikap Class 77, nabatid ng mga miyembro ng PMA Class ’78 na gising na ang mga tao upang ipaglaban ang demokras yang nakamit ng bayan dahil sa sakripisyo ni Mrs. Aquino.
Maging ang planong “August moon” kung saan tatangkaing ilagay sa magagandang puwesto ang mga miyembro ng Class ’78 ay pansamantalang natigil dahil sa pagkaalarma ng mga tao.
Matatandaang nagkakaroon ng iringan ang mga miyembro ng dala wang klase ng PMA noong nakaraang buwan dahil sa pag-aagawan sa puwesto sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.
Ang August moon ay ukol umano sa tangkang pagpapalawig sa puwesto kay Pangulong Arroyo.
Sinasabing posibleng maalis kaagad sa puwesto si AFP chief of staff Victor Ibrado bago sumapit ang Marso sa susunod na taon, ang kanyang pagreretiro sa serbisyo, upang palitan ni Army chief Lt. Gen. Delfin Bangit, miyembro ng PMA class ’78 at dating nagsil bing hepe ng Presidential Security Group.
Sa kabilang banda, si PNP chief Dir. Gen. Jesus Verzosa ay magreretiro sa Disyembre 2010 ay sinasabing posibleng maalis sa puwesto upang palitan ng isa rin miyembro ng PMA class ’78. (Butch Quejada)