Suspension ng 3 Davao executives hindi pulitika - Nograles

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni House Speaker Prospero Nogra­les na hindi biktima ng politika ang tatlong local na opisyal ng Davao City ka­ya’t sinuspindi ito ng Office of the Ombudsman ng anim na buwan.

Ayon kay Nograles ang pagkakasuspinde kina City Administrator Wendel Avi­sado, City Engineer Jose Gestuveo, at City Drainage Maintenance Unit chief Yusop Jimlani ay batay lang sa masusing imbestigas­yon ng Ombudsman at ito ay hindi dahil sa implu­wen­siya gaya ng alegasyon ni Davao City Mayor Ro­drigo Du­terte.

Nasuspindi ang mga ito dahil sa umano’y pag-aalis ng national park sa Quezon Boulevard, Da­vao City na una ng pinon­dohan ng gobyerno.

Aniya, dapat ay ting­nan at pag-aralan ng kampo ni Duterte ang constitution para mala­man nito na ang Ombudsman ay isang independent body at hindi nai­impluwensiyahan ng si­no­man kung saan si­nuspinde ang apat na local na opisyal dahil sa merito ng kaso ng mga ito. (Butch Quejada)

Show comments