Enero 25, Cory Day

MANILA, Philippines - Isinusulong ngayon sa Senado ang Joint Resolution No. 28 na inihain ni Senator Mar Roxas na naglalayong gawing “Cory Aquino Day” ang Enero 25, birthday ni da­ting Pangulong Corazon Aquino.

Sa kanyang resolus­yon, sinabi ni Roxas na marapat lamang bigyan ng pagkilala taun-taon ang kadakilaan ni Aquino na nagbalik ng demo­krasya sa bansa at nag­tapos sa dictatorial rule ni Ferdinand Marcos.

Dapat din aniyang magpatuloy ang pagiging simbolo ni Aquino sa pag­laban nito sa korapsiyon nang simulan ng kanyang gobyerno ang paghabol sa ill-gotten wealth ng mga Marcoses.

Ayon kay Roxas, ang kaniyang resolusyon ay may kahalintulad ding resolusyon sa House of Representatives na iha­hain naman ni Cavite Rep. Joseph Emilio Aba­ya. (Malou Escudero)

Show comments