Hiling ng broker OK kay Villar

MANILA, Philippines - Pinaboran ni Presidential Anti-Smuggling Group Chief Undersecretary Antonio Villar Jr. ang kahi­lingan ng Chamber of Customs Brokers Inc. na pan­samantalang suspindihin ang kanilang operasyon sa panghuhuli at pagkum­piska ng mga cargo shipment na naka­labas ng Bureau of Customs na pinag­hihinalaan nilang sangkot sa smuggling.

Sinabi ni Villar sa kan­yang programang PASG Kontra Smuggling sa DZRH kamakalawa na pinag­ bigyan niya ang kahilingan ng CCBI sa pamumuno ng pangulo nitong si Zenaida Dayang­hirang.

Magkakaroon ng daya­logo ang CCBI kay Villar upang pag-usapan ang anti-smuggling activities ng PASG na sinu­suportahan din ng CCBI. (Rudy Andal)

Show comments